MAGUINDANAO DEL SUR – Tatlumpung (30) Out-of-School Youth (OSY) mula sa mga bayan ng Paglat, Pandag, at General Salipada K. Pendatun (GSKP) ang lumahok sa programang “Empowering Out-of-School Youth Through Sustainable Livelihood” na isinagawa noong Hunyo 15, 2026.
Pinangunahan ng Provincial Youth Development Council (PYDC) ang aktibidad bilang bahagi ng GIVE H.E.A.R.T. Convergence Cluster T Program, na naglalayong bigyan ng kaalaman, kasanayan, at oportunidad ang mga kabataan upang magkaroon ng mapagkakakitaan at mas maging produktibong miyembro ng kanilang komunidad.
Ayon sa mga organizer, mahalagang mabigyan ng tamang suporta ang mga out-of-school youth upang magkaroon sila ng pagkakataong mapaunlad ang kanilang kabuhayan at makilahok sa pagpapaunlad ng kanilang mga komunidad.
Sa pamamagitan ng naturang inisyatiba, patuloy na isinusulong ng pamahalaan ang mga programang nakatuon sa pagpapalakas ng kabataan at pagbibigay ng mas maraming oportunidad para sa kanilang kinabukasan.






Views Today : 39
Views Yesterday : 94
Views Last 7 days : 823
Views Last 30 days : 3756
Views This Month : 3357
Views This Year : 29951
Total views : 42086
Leave a Reply