𝐆𝐎𝐕. 𝐃𝐀𝐓𝐔 𝐀𝐋𝐈, 𝐌𝐏𝐖 𝐍𝐀𝐆𝐊𝐀𝐈𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐏𝐀𝐁𝐈𝐋𝐈𝐒𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐑𝐎𝐀𝐃 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓𝐒 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐆𝐔𝐈𝐍𝐃𝐀𝐍𝐀𝐎 𝐃𝐄𝐋 𝐒𝐔𝐑

Mainit na tinanggap ni Maguindanao del Sur Governor Datu Ali M. Midtimbang Sr., kasama si Provincial Chief of Staff Datu Jomar Midtimbang, si MPW-BARMM 2nd District Engineer Esmail D. Ganduan at ang kanyang delegasyon sa isang courtesy call na ginanap sa tanggapan ng gobernador nitong Hunyo 17, 2026.

Sa pagpupulong, tinalakay ang kasalukuyang kalagayan ng mga imprastraktura at mga plano para sa mga bagong proyekto sa lalawigan, kabilang ang mga farm-to-market roads na inaasahang magpapabilis ng transportasyon at magpapalawak ng access ng mga komunidad sa mga sentro ng kalakalan.

Binigyang-diin din ang kahalagahan ng maayos na turnover at maintenance ng mga natapos nang proyekto upang matiyak ang kalidad, kaligtasan, at pangmatagalang pakinabang nito sa publiko.

Kasabay nito, hinimok ni Governor Midtimbang ang agarang paghahanap ng mga solusyon para sa mga hindi pa natatapos na proyekto upang mapabilis ang kanilang implementasyon at maiwasan ang pagkaantala sa paghahatid ng serbisyo sa mga mamamayan.

Ayon sa mga opisyal, ang mas matibay na koordinasyon sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan at ng Ministry of Public Works ay mahalaga upang maisakatuparan ang mga programang pang-imprastraktura na magbibigay ng mas maayos, ligtas, at sementadong mga kalsada para sa mga residente ng Maguindanao del Sur.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

028787
Views Today : 24
Views Yesterday : 94
Views Last 7 days : 808
Views Last 30 days : 3741
Views This Month : 3342
Views This Year : 29936
Total views : 42071