Patuloy ang mabilis na tugon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur sa mga pamilyang apektado ng matinding pagbaha matapos magsagawa ng pamamahagi ng food packs ngayong Oktubre 21, 2025, sa mga bayan ng Shariff Saydona Mustapha at Mamasapano.
Ang relief operation ay pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at Team Datu sa Talayan (DST), katuwang ang BARMM READi, DSWD Region XII, at mga lokal na pamahalaan, bilang bahagi ng direktiba ni Governor Datu Ali Midtimbang na agad tugunan ang pangangailangan ng mga apektadong residente.
Unang isinagawa ang pamamahagi sa Barangay Ganta, Shariff Saydona Mustapha, sa pakikipagtulungan ng LGU Shariff Saydona, kung saan daan-daang pamilya ang tumanggap ng food packs.
Kasunod nito, nagtungo rin ang grupo sa Barangay Bakat upang ipagpatuloy ang operasyon ng distribusyon.
Pagkatapos ng aktibidad sa Shariff Saydona, nagtungo rin ang mga ahensya sa Munisipalidad ng Mamasapano, kung saan tumanggap ng parehong tulong ang mga pamilyang naapektuhan ng patuloy na pagbaha.
Ang inisyatiba ay bahagi ng malawakang humanitarian assistance program ng probinsya, na layuning matiyak na walang maiiwang pamilya sa gitna ng krisis dulot ng kalamidad.







Views Today : 24
Views Yesterday : 90
Views Last 7 days : 637
Views Last 30 days : 3560
Views This Month : 1926
Views This Year : 17788
Total views : 29923
Leave a Reply