Patuloy ang pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur, sa pangunguna ni Governor Datu Ali Midtimbang, upang maihatid ang agarang tulong sa mga pamilyang apektado ng kalamidad.
Ngayong araw, nagsagawa ng pamamahagi ng food packs sa bayan ng Datu Salibo ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), katuwang ang Team Datu sa Talayan, Armed Forces of the Philippines (AFP), at ang Lokal na Pamahalaan ng Datu Salibo.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng BARMM READi, DSWD XII, at lokal na pamahalaan, naging maayos at mabilis ang pamamahagi ng mga food packs sa mga pamilyang lubos na naapektuhan ng pagbaha sa naturang bayan.
Layunin ng inisyatibong ito na mapagaan ang hirap ng mga residente at matiyak na may sapat na pagkain at suporta ang mga pamilyang nawalan ng kabuhayan dahil sa kalamidad.







Views Today : 22
Views Yesterday : 90
Views Last 7 days : 635
Views Last 30 days : 3558
Views This Month : 1924
Views This Year : 17786
Total views : 29921
Leave a Reply