Maguindanao del Sur | October 22, 2025 — Nagsagawa ng River Channel Validation at Site Inspection ang Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur sa kahabaan ng Buluan–General S. K. Pendatun (GSKP) River upang matukoy ang mga sanhi ng paulit-ulit na pagbaha na nakaapekto sa mga bayan ng Buluan, Pandag, Paglat, at General S. K. Pendatun.
Layunin ng aktibidad, sa pakikipagtulungan ng Provincial Engineering Office (PEO), na matukoy ang mga agarang at pangmatagalang solusyon upang mabawasan ang pinsala dulot ng pagbaha at maprotektahan ang mga residente, sakahan, at mahahalagang imprastraktura sa mga apektadong lugar.
Pinangunahan ni Vice Governor Ustadz Hisham S. Nando ang inspeksyon, kasama sina Board Members Hon. Bai Faujiah B. Mangelen at Hon. Rahib Nando, Municipal League President at Datu Anggal Midtimbang Mayor Hon. Datu Nathaniel Midtimbang, GSKP Mayor Hon. Bai Meilyn Ali, Former GSKP Mayor Datu Rafsanjani Pendatun Ali, Former Paglat Mayor Engr. Abdulkarim T. Langkuno, at Vice Mayor Sagandingan M. Gumonsang.
Kabilang din sa mga nakibahagi ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang kaukulang tanggapan ng pamahalaang panlalawigan bilang suporta sa isinagawang aktibidad.
Ayon sa mga opisyal, ang naturang validation ay magsisilbing batayan sa paghahanda ng mga proyekto sa river dredging, flood control, at infrastructure rehabilitation upang maiwasan ang paglala ng pagbaha sa hinaharap.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na programa ng Provincial Government sa ilalim ng pamumuno ni Governor Datu Ali Midtimbang, Al Haj, na naglalayong mapalakas ang disaster preparedness, climate resilience, at kaligtasan ng mga mamamayan ng Maguindanao del Sur.







Views Today : 22
Views Yesterday : 90
Views Last 7 days : 635
Views Last 30 days : 3558
Views This Month : 1924
Views This Year : 17786
Total views : 29921
Leave a Reply