Pinangunahan ni Maguindanao del Sur Governor Datu Ali M. Midtimbang Sr., Al-Hadj ang matagumpay na pagsasagawa ng 2nd Quarter Joint Meeting ng Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC), Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), at Provincial Solid Waste Management Board (PSWMB) noong Hunyo 25, 2026 sa Mango Grove, Datu Anggal Midtimbang, Maguindanao del Sur.
Naging pangunahing layunin ng pagpupulong ang pagpapalakas ng koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya ng pamahalaan at iba pang stakeholders upang higit pang mapahusay ang pagpapatupad ng mga programa sa kapayapaan, seguridad, disaster preparedness, at pangangalaga sa kalikasan.
Kabilang sa mga tinalakay ang kasalukuyang peace and order situation sa lalawigan, pagpapalawak ng kampanya laban sa ilegal na droga, at pagpapatibay ng ugnayan ng iba’t ibang sektor sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa mga komunidad.
Tinalakay rin ng konseho ang mga paghahanda at estratehiya ng lalawigan sa pagtugon sa mga kalamidad at iba pang emergency situations, kabilang ang mga update sa disaster risk reduction and management programs upang higit na maprotektahan ang buhay at kabuhayan ng mga mamamayan.
Kasabay nito, binigyang-pansin din ang mga inisyatiba sa solid waste management at iba pang programang pangkapaligiran bilang bahagi ng layunin ng Pamahalaang Panlalawigan na mapanatili ang isang malinis, ligtas, matatag, at maunlad na Maguindanao del Sur.
Ayon sa Pamahalaang Panlalawigan, ang regular na pagpupulong ng apat na konseho ay mahalaga upang matiyak ang mas epektibong koordinasyon, mabilis na pagtugon sa mga hamon, at tuloy-tuloy na paghahatid ng mga serbisyong nakatuon sa kapakanan ng bawat Maguindanaon.








Views Today : 58
Views Yesterday : 109
Views Last 7 days : 838
Views Last 30 days : 3786
Views This Month : 3282
Views This Year : 29876
Total views : 42011
Leave a Reply