COTABATO CITY — Pormal na pinangunahan ni Member of Parliament Mohagher M. Iqbal ang turnover ceremony ng Bangsamoro Health Outreach Program for Everyone (BHOPE) noong Hunyo 15, 2026, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan sa Bangsamoro.
Isinagawa ang turnover sa Bangsamoro Government Office sa Cotabato City, kung saan ipinamahagi ang pondo para sa mga pangunahing pagamutan at institusyong pangkalusugan na katuwang sa pagpapalawak ng access sa dekalidad na serbisyong medikal sa rehiyon.
Sa ilalim ng programang ipinatutupad ng Ministry of Health (MOH-BARMM), tumanggap ng ₱750,000 ang Notre Dame Hospital and Siena College of Cotabato, Inc., ₱750,000 ang Cotabato Sanitarium and General Hospital, habang ₱1 milyon naman ang ipinagkaloob sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC).
Layunin ng pondong ito na suportahan ang pagpapatupad ng mga community health outreach activities, mapalawak ang serbisyong pangkalusugan, at mapabuti ang access ng mga mamamayan sa kinakailangang medical services.
Ayon sa mga organizer, ang BHOPE ay bahagi ng patuloy na inisyatiba ng Bangsamoro Government na maghatid ng mas inklusibo at mas epektibong serbisyong pangkalusugan, lalo na sa mga komunidad na higit na nangangailangan.








Views Today : 99
Views Yesterday : 145
Views Last 7 days : 861
Views Last 30 days : 3817
Views This Month : 3214
Views This Year : 29808
Total views : 41943
Leave a Reply