𝐁𝐔𝐋𝐔𝐀𝐍 𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐂𝐓 𝐇𝐎𝐒𝐏𝐈𝐓𝐀𝐋 𝐇𝐎𝐍𝐎𝐑𝐒 𝐑𝐄𝐓𝐈𝐑𝐈𝐍𝐆 𝐂𝐇𝐈𝐄𝐅, 𝐖𝐄𝐋𝐂𝐎𝐌𝐄𝐒 𝐍𝐄𝐖 𝐎𝐈𝐂 𝐌𝐄𝐃𝐈𝐂𝐀𝐋 𝐂𝐄𝐍𝐓𝐄𝐑 𝐂𝐇𝐈𝐄𝐅

Pormal na isinagawa ng Buluan District Hospital ang Turnover and Endorsement Ceremony noong Hunyo 30, 2026, bilang hudyat ng opisyal na pagpapalit ng pamunuan ng ospital.

Sa naturang seremonya, pormal nang nanumpa sa tungkulin si Dr. Eshir A. Ismael, MD bilang Officer-in-Charge, Medical Center Chief I, na humalili kay Dr. Rizaldy L. Piang, MD, matapos ang kanyang pagreretiro sa serbisyo.

Naging pagkakataon din ang programa upang kilalanin at pasalamatan si Dr. Piang sa kanyang mga taon ng paglilingkod at pamumuno, na nag-ambag sa pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan sa lalawigan.

Kasabay nito, ipinahayag ng pamunuan at mga kawani ng ospital ang kanilang buong suporta kay Dr. Ismael sa kanyang pamumuno, habang inaasahang ipagpapatuloy niya ang mga programang nakatuon sa pagpapabuti ng kalidad ng serbisyong medikal para sa publiko.

May temang “Honoring the Past. Empowering the Future. Continuing the Legacy of Service and Compassion,” binigyang-diin sa seremonya ang pagpapatuloy ng kultura ng malasakit, propesyonalismo, at dekalidad na serbisyong pangkalusugan para sa mga mamamayan ng Maguindanao del Sur.

Ayon sa pamunuan ng ospital, ang pagpapalit ng liderato ay hindi lamang simbolo ng maayos na transisyon sa pamamahala kundi pagpapatibay rin ng kanilang pangako na higit pang pagbutihin ang paghahatid ng episyente at makataong serbisyong pangkalusugan sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

028695
Views Today : 92
Views Yesterday : 145
Views Last 7 days : 854
Views Last 30 days : 3810
Views This Month : 3207
Views This Year : 29801
Total views : 41936