Patuloy na pinalalakas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur ang sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng Farmers Assistance Program, bilang bahagi ng GIVE HEART Agenda on Agri-Fishery and Economic Modernization.
Sa pangunguna ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAG), katuwang ang General Services Office (GSO), ipinagkakaloob ang start-up agricultural assistance sa mga kwalipikadong magsasaka mula sa mga bayan ng Paglat at Pandag na muling nakapagsasaka matapos maisaayos ang kanilang mga lupang dating madalas bahain.
Naging posible ang pagbabalik-produksyon ng mga sakahan kasunod ng matagumpay na dredging operations sa Buluan River, na nagpaayos sa daloy ng tubig at nagbigay-daan upang maging muli itong angkop para sa pagtatanim.
Sa ilalim ng programa, tumatanggap ang mga benepisyaryo ng iba’t ibang agricultural inputs at production assistance upang agad nilang maipagpatuloy ang kanilang pagsasaka at mapataas ang kanilang ani.
Ayon sa Pamahalaang Panlalawigan, layunin ng inisyatiba na maibalik sa produksyon ang mga dating napabayaang sakahan, mapalakas ang kita ng mga magsasaka, mapabuti ang seguridad sa pagkain, at maisulong ang pangmatagalang kaunlaran ng sektor ng agrikultura.
Binigyang-diin din ng pamahalaan na ang programa ay bahagi ng mas malawak na layunin nitong makapaghatid ng inklusibong pag-unlad at matatag na kabuhayan para sa mga komunidad ng Maguindanao del Sur sa pamamagitan ng modernisasyon ng agrikultura at mga proyektong pang-imprastraktura.









Views Today : 91
Views Yesterday : 145
Views Last 7 days : 853
Views Last 30 days : 3809
Views This Month : 3206
Views This Year : 29800
Total views : 41935
Leave a Reply