𝟐𝟕 𝐘𝐎𝐔𝐓𝐇 𝐋𝐄𝐀𝐃𝐄𝐑𝐒, 𝐍𝐀𝐆𝐓𝐈𝐏𝐎𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐏𝐀𝐋𝐀𝐊𝐀𝐒𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐆𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐆𝐔𝐈𝐍𝐃𝐀𝐍𝐀𝐎 𝐃𝐄𝐋 𝐒𝐔𝐑

Tinatayang 27 youth leaders mula sa iba’t ibang bayan ng Maguindanao del Sur ang nagtipon para sa Second Quarter Provincial Youth Development Council Meeting nitong Hulyo 6, 2026, sa Kapamagayon Hall ng Provincial Capitol sa Buluan.

Naging tampok sa pagpupulong ang presentasyon ng apat na youth organizations na nagbahagi ng kanilang mga matagumpay na proyekto sa larangan ng kabuhayan, youth empowerment, climate action, at disaster preparedness.

Unang ibinahagi ng Brave Association of Gentle and Educated Leaders (BAGEL) ang kanilang “Bangkabuhayan” Project sa Sultan sa Barongis. Ang inisyatibang nakatuon sa kabuhayan ay kinilala bilang Outstanding Youth Organization ng lokal na pamahalaan.

Ibinida naman ng Local Youth Development Office (LYDO), katuwang ang United Youth Action Group, ang “UYAG-Kadtuntaya,” isang awareness campaign para sa mga Out-of-School Youth (OSY) sa bayan ng Datu Paglas.

Naging sentro rin ng talakayan ang pangangalaga sa kalikasan at climate adaptation. Inilahad ng League of Active Youth Ambassadors (LAYA) ang Green Heroes of Sustainable Tomorrow (GHOST) Project, na nagsusulong ng climate resilience sa pamamagitan ng pagtatanim ng kawayan sa mga tabing-ilog at kampanya laban sa paggamit ng single-use plastics.

Samantala, ipinresenta ng Active Young Savers Society ang Project Pawas, na nakatuon sa trainers’ training at pamamahagi ng Information, Education and Communication materials. Layunin nitong palawakin ang kaalaman ng kabataan tungkol sa Harmony with the Planet, mga probisyon ng Republic Act No. 10121, at kanilang mahalagang papel sa disaster preparedness at response.

Sa huling bahagi ng pagpupulong, tinalakay din ng konseho ang mga posibleng aktibidad na isasagawa para sa Linggo ng Kabataan ngayong Agosto.

Sa pamamagitan ng pagpupulong, patuloy na binibigyan ng espasyo ang mga kabataan ng Maguindanao del Sur upang magbahagi ng mga makabuluhang inisyatiba at maging aktibong katuwang sa pagbuo ng mas matatag, handa, at maunlad na mga komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

028669
Views Today : 51
Views Yesterday : 145
Views Last 7 days : 813
Views Last 30 days : 3769
Views This Month : 3166
Views This Year : 29760
Total views : 41895