Agarang naipaabot ang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng malawakang pagbaha sa bayan ng Datu Unsay sa pamamagitan ng GIVE HEART Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur.
Pinangunahan ng Provincial Government ang pamamahagi ng relief assistance bilang bahagi ng patuloy na humanitarian response sa mga residenteng sinalanta ng kalamidad.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, layunin ng programa na maihatid ang kinakailangang suporta sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha at matulungan silang makabangon sa gitna ng nararanasang pagsubok.
Patuloy naman ang monitoring at koordinasyon ng mga kinauukulang ahensya upang matiyak na maaabot ng tulong ang lahat ng mga residenteng nangangailangan.









Views Today : 121
Views Yesterday : 92
Views Last 7 days : 873
Views Last 30 days : 4438
Views This Month : 3091
Views This Year : 29685
Total views : 41820
Leave a Reply