𝐆𝐈𝐕𝐄 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌, 𝐔𝐌𝐀𝐁𝐎𝐓 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐃𝐀𝐒𝐈𝐊𝐈𝐋; 𝐌𝐆𝐀 𝐁𝐈𝐊𝐓𝐈𝐌𝐀 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐇𝐀, 𝐓𝐈𝐍𝐔𝐋𝐔𝐍𝐆𝐀𝐍

Patuloy ang paghahatid ng agarang tulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha, sa pamamagitan ng GIVE HEART Program, na umabot naman sa Barangay Dasikil.

Sa ilalim ng pamumuno ni Governor Datu Ali M. Midtimbang Sr., personal na naipaabot ang mga relief packs upang makatulong sa mga residenteng lubhang naapektuhan ng kalamidad.

Ayon sa Pamahalaang Panlalawigan, ang bawat relief pack ay sumisimbolo sa malasakit at patuloy na pangakong walang pamilyang mapag-iiwanan sa panahon ng pagsubok.

Patuloy ang relief operations at monitoring upang matiyak na maaabot ng tulong ang lahat ng mga residenteng nangangailangan habang nagpapatuloy ang pagbangon ng mga komunidad

.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

028525
Views Today : 76
Views Yesterday : 156
Views Last 7 days : 849
Views Last 30 days : 4418
Views This Month : 2954
Views This Year : 29548
Total views : 41683