Nakipagpulong ang isang delegasyon ng United Nations (UN) sa pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) upang talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng Bangsamoro, ang usaping pangkapayapaan, at ang nalalapit na kauna-unahang regular na BARMM Parliamentary Elections.
Pinangunahan ang delegasyon ni United Nations Resident Coordinator in the Philippines Arnaud Peral, na sinalubong ni MILF First Vice Chairman Mohagher Iqbal sa Camp Darapanan. Dumalo rin sa pagpupulong si MILF-AHJAG Chairman Anwar Alamada at iba pang opisyal ng MILF.
Sa pulong, nagpalitan ng impormasyon ang magkabilang panig hinggil sa mga pinakahuling kaganapan sa Bangsamoro, ang progreso ng peace process, at ang patuloy na pakikipagtulungan ng United Nations sa Bangsamoro sa pagsusulong ng peacebuilding at sustainable development initiatives.
Ipinahayag din ng pamunuan ng MILF ang kanilang pasasalamat sa patuloy na suporta at pakikipag-ugnayan ng United Nations sa Bangsamoro peace process.







Views Today : 70
Views Yesterday : 156
Views Last 7 days : 843
Views Last 30 days : 4412
Views This Month : 2948
Views This Year : 29542
Total views : 41677
Leave a Reply