𝐁𝐘𝐂 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐊 𝐀𝐍𝐆 𝐔𝐆𝐍𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐎𝐑𝐆𝐀𝐍𝐈𝐙𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐍𝐆𝐒𝐀𝐌𝐎𝐑𝐎

Patuloy na pinalalawak ng Bangsamoro Youth Commission (BYC) ang mga oportunidad para sa kabataang Bangsamoro sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang international organizations na nagsusulong ng youth leadership, community development, at regional cooperation.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni BYC Chairperson Nas Dunding ang paglulunsad ng isang international collaboration ecosystem na naglalayong bigyang-lakas ang mga kabataan bilang aktibong katuwang sa paghubog ng pampublikong diskurso, pagpapaunlad ng komunidad, at pagsusulong ng positibong pagbabago sa Indo-Pacific region.

Ayon kay Dunding, kinikilala ng inisyatiba ang mga kabataan hindi lamang bilang mga lider ng hinaharap kundi bilang mga pangunahing tagapagtaguyod ng pagbabago sa kasalukuyan.

Kabilang sa mga katuwang ng BYC sa naturang programa ang Taiwan-Asia Exchange Foundation, Digital Defense Alliance Singapore (DDAS), ASEAN-Australia Strategic Youth Partnership (AASYP), at Orphan Love Foundation ng Bangladesh.

Aniya, patuloy na bubuksan ng mga ganitong partnership ang mas maraming pandaigdigang oportunidad para sa mga kabataang Bangsamoro sa pamamagitan ng dayalogo, kooperasyon, at pagpapalakas ng kanilang kakayahan bilang mga susunod na lider.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

028521
Views Today : 70
Views Yesterday : 156
Views Last 7 days : 843
Views Last 30 days : 4412
Views This Month : 2948
Views This Year : 29542
Total views : 41677