Bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon, inilunsad ni Governor Datu Ali M. Midtimbang Sr. ang MAPADTimbang Free LET Review, isang espesyal na programa na layong tulungan ang mga kabataang nangangarap maging Lisensyadong Propesyonal na Guro (LPT).
Sa ilalim ng programang ito, libre ang review classes at mga materyales, bilang bahagi ng adbokasiya ng Serbisyong MAPADTimbang para sa inclusive education and professional empowerment.
Para sa mga nagnanais makibahagi sa programa, hinihikayat ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga aplikante na maghanda ng mga kinakailangang dokumento at abangan ang opisyal na anunsyo sa opisina ng Maguindanao del Sur Human Resource and Development Division.
Sa programang ito, muling pinatunayan ng administrasyon ni Governor Ali Midtimbang na ang edukasyon ay puso ng tunay na pagbabago sa Maguindanao del Sur.








Views Today : 63
Views Yesterday : 47
Views Last 7 days : 622
Views Last 30 days : 3527
Views This Month : 2092
Views This Year : 17954
Total views : 30089
Leave a Reply