COTABATO CITY LGU, JICA AT MCWD MAGSASANIB-PUWERSA PARA SA SOLUSYON SA KRISIS SA TUBIG

Sa harap ng lumalalang problema sa kakulangan ng suplay ng tubig sa lungsod, nagsagawa ng hakbang si Mayor Mohammad Ali “Bruce” Matabalao upang maisulong ang Tripartite Agreement sa pagitan ng Japan International Cooperation Agency (JICA), Metro Cotabato Water District (MCWD), at ng Lokal na Pamahalaan ng Cotabato City.

Ang panukalang kasunduan ay naglalayong mapahusay ang sistema ng distribusyon ng tubig at matugunan ang gastusin ng proyekto, partikular na ang Value Added Tax (VAT) na kinakailangan ng JICA. Ayon sa alkalde, sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng LGU bilang local counterpart, magiging mas magaan para sa lungsod ang pagpapatupad ng proyekto.

Tinatayang higit 29,000 kabahayan sa Cotabato City ang makikinabang sa inisyatibong ito, kabilang ang ₱200 buwanang diskwento sa water bills sa loob ng tatlo hanggang apat na taon, na sasagutin ng lokal na pamahalaan.

Gayunman, nilinaw ng alkalde na dadaan pa ang proyekto sa ilang proseso tulad ng pag-apruba ng Embassy of Japan at pagtiyak na sumusunod ito sa mga patakaran ng Pilipinas, Bangsamoro Region, at Cotabato City Government.

“Ang tubig ay hindi pribilehiyo kundi karapatan ng bawat Cotabateño. Gagawin natin ang lahat upang masiguro na walang pamilya sa lungsod ang mauuhaw,” ayon kay Mayor Bruce Matabalao.

Sa ilalim ng administrasyong “Para sa Lahat”, ipinapakita ng Cotabato City LGU ang tunay na serbisyong may malasakit — isang pamahalaang kumikilos, nakikinig, at tunay na naglilingkod sa kapakanan ng kanyang mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020611
Views Today : 60
Views Yesterday : 47
Views Last 7 days : 619
Views Last 30 days : 3524
Views This Month : 2089
Views This Year : 17951
Total views : 30086