MBHTE PINATITIBAY ANG GABAY PARA SA MGA ISAL TEACHERS SA MGA NON-ISLAMIC SCHOOL ACTIVITIES

Isinapubliko ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE–BARMM) ang Regional Memorandum No. 0754, Series of 2025, na nilagdaan ni Minister Mohagher M. Iqbal, upang magbigay-linaw sa papel ng mga Islamic Studies and Arabic Language (ISAL) Asaatidz-Teachers sa tuwing may mga celebration days o school events na may kinalaman sa mga non-Islamic activities.

Sa ilalim ng bagong direktiba, binigyang-diin ng MBHTE na ang mga ISAL teachers ay may mahalagang tungkuling magpasa ng kaalaman at pagpapahalagang Islamiko sa mga mag-aaral. Dahil dito, ang kanilang paglahok sa mga aktibidad na may halong musika, sayawan, o ibang elemento na taliwas sa Islamic beliefs ay hindi obligado.

Gayunman, hinikayat ang mga ISAL teachers na magbahagi ng maikling “Muhadarah” o Islamic talk upang ipaliwanag ang kahalagahan o pananaw ng Islam sa mga ganitong pagdiriwang.

Ayon kay Minister Iqbal, layunin ng patakarang ito na mapanatili ang respeto sa pananampalataya, pagkakaunawaan, at pagkakaisa sa loob ng mga paaralan sa Bangsamoro. Dagdag pa rito, inatasan ang lahat ng school division superintendents at madrasah division heads na ipalaganap ang nasabing memorandum at tiyaking maayos itong ipinatutupad.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng MBHTE na itaguyod ang makabuluhang edukasyon na nakaangkla sa pananampalatayang Islam at sa mga prinsipyong nagbibigay-halaga sa kabuuang paghubog ng kabataan Bangsamoro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020610
Views Today : 59
Views Yesterday : 47
Views Last 7 days : 618
Views Last 30 days : 3523
Views This Month : 2088
Views This Year : 17950
Total views : 30085