MILF-ENDORSED BILL, ISINULONG NI MP SAID SHIEK SA PARLIAMENTO NG BANGSAMORO

Sa kanyang sponsorship speech sa plenary session ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) Parliament, ipinahayag ni Member of Parliament (MP) Said Shiek ang kanyang buong suporta sa Parliament Bill No. 407, na kilala bilang Bangsamoro Parliamentary District Act of 2025.

Ang panukalang batas ay naglalayong tiyakin na ang bawat probinsya at lungsod sa Bangsamoro ay magkakaroon ng patas na representasyon sa Parlamento, alinsunod sa populasyon at heograpikal na distribusyon ng mga mamamayan.

Ayon kay MP Shiek, isa sa mga pangunahing awtor ng panukala, ito ay isang tapat na tugon sa desisyon ng Korte Suprema upang matiyak na ang redistricting sa Bangsamoro ay sumusunod sa Konstitusyon, teknikal na pamantayan, at tamang proseso ng batas.

“Layunin natin na magkaroon ng representasyon na tunay na kumakatawan sa tinig ng bawat Bangsamoro, mula sa mga lalawigan hanggang sa mga lungsod,” pahayag ni MP Shiek.

Sa ilalim ng Bangsamoro Parliamentary District Act of 2025, itatakda ang kabuuang 32 parliamentary districts sa buong rehiyon, na may sumusunod na alokasyon:

  • Basilan – 4 districts
  • Lanao del Sur (kasama ang Marawi City) – 9 districts (kung saan ang Marawi ay hahatiin sa 2 distrito)
  • Maguindanao del Norte – 5 districts
  • Maguindanao del Sur – 5 districts
  • Tawi-Tawi – 4 districts
  • Cotabato City – 3 districts
  • Special Geographic Area (SGA) – 2 districts

Inendorso ng Central Committee ng MILF ang panukala bilang bahagi ng kanilang adbokasiya para sa mas representatibong pamahalaan sa Bangsamoro.

Ipinahayag din ni MP Shiek na ang panukalang ito ay hindi lamang tungkol sa redistricting, kundi isang hakbang tungo sa mas demokratiko, inklusibo, at epektibong pamumuno sa rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020610
Views Today : 59
Views Yesterday : 47
Views Last 7 days : 618
Views Last 30 days : 3523
Views This Month : 2088
Views This Year : 17950
Total views : 30085