MAYOR BRUCE MATABALAO: POSIBLENG MAGBIGAY NG 14TH MONTH PAY SA MGA EMPLEYADO NG COTABATO CITY

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Bruce Matabalao ang kahalagahan ng pagkilala sa dedikasyon ng mga empleyado, atleta, at achievers ng lungsod, kasabay ng anunsiyo ng posibilidad na pagbibigay ng 14th month pay sa mga kawani ng pamahalaang lokal.

Aniya, habang mandato ang 13th month pay, nararapat ding kilalanin at bigyan ng dagdag na insentibo ang mga empleyadong patuloy na nagsisilbi nang tapat at masigasig.

“If other LGUs can afford to pay 14th month pay, the city government of Cotabato should also head towards that direction,” ani Matabalao.

Dagdag pa niya, kasunod ng kanyang State of the City Address (SOCA), nakatakda rin ang parangal at pagbibigay ng financial incentives sa mga atleta, top-notchers sa licensure exams, at iba pang achievers na nagdala ng karangalan sa Cotabato City.

Sa parehong panayam, hinikayat din ni Matabalao ang lahat na seryosohin ang Palarong Pinoy, at bigyan ito ng parehong suporta tulad ng Palarong Pambansa.

Ang panukalang ito ay bahagi ng mas malawak na adhikain ng alkalde na itaguyod ang kultura ng disiplina, pagkilala, at pagpapahalaga sa loob ng City Government—isang direksyong naglalayong itaas ang moral, serbisyo, at kapakanan ng bawat Cotabateño.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020621
Views Today : 73
Views Yesterday : 47
Views Last 7 days : 632
Views Last 30 days : 3537
Views This Month : 2102
Views This Year : 17964
Total views : 30099