DATU SALIBO LEADERS RECONCILE UNDER GOVERNOR MIDTIMBANG’S LEADERSHIP: ISANG PANIBAGONG YUGTO NG PAGKAKAISA AT SERBISYO

Isang makasaysayang pagkakasundo ang naganap sa Bayan ng Datu Salibo, sa pagitan nina Mayor Khominie Sandigan at Vice Mayor Omar Ali, sa pangunguna ni Governor Datu Ali Midtimbang ng Maguindanao del Sur.

Ang pagpupulong, na ginanap sa Office of the Governor, ay naglalayong wakasan ang hindi pagkakaunawaan at muling pagtibayin ang kooperasyon sa pamahalaang bayan. Parehong nagpahayag ng pangako sina Mayor Sandigan at Vice Mayor Ali na magsisilbi nang tapat at magtutulungan para sa kapakanan ng kanilang mga kababayan.

Ang kasunduang ito ay hindi lamang tagumpay ng dalawang lider kundi tagumpay ng buong Datu Salibo — isang hakbang tungo sa kapayapaan, pagkakaisa, at mas epektibong pamamahala sa ilalim ng Serbisyong May Puso ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020619
Views Today : 70
Views Yesterday : 47
Views Last 7 days : 629
Views Last 30 days : 3534
Views This Month : 2099
Views This Year : 17961
Total views : 30096