Agad na kumilos ang Ministry of Social Services and Development (MSSD) upang magbigay ng kagyat na tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Bayan ng Maluso, Basilan Province, nitong Oktubre 30, 2025.
Aabot sa 80 pamilya ang nakatanggap ng relief assistance, matapos masalanta ng tuluy-tuloy na pag-ulan at pagbaha dulot ng ITCZ — isang low pressure system na nagdudulot ng malalakas na hangin, pagkulog, pagkidlat, at pag-ulan.
Bawat pamilyang apektado ay binigyan ng water kit at kumpletong welfare goods, na naglalaman ng 25 kilo ng bigas, canned goods, at instant coffee upang matugunan ang kanilang agarang pangangailangan.
Pinangunahan ang pamamahagi ng tulong ng MSSD Basilan Coordinating Office, katuwang ang Maluso Municipal Social Welfare Office (MSWO) at ang Lokal na Pamahalaan ng Maluso — isang patunay ng epektibong pagtutulungan sa pagitan ng rehiyon at lokal na antas ng pamahalaan.
Sa kasalukuyan, pansamantalang nanunuluyan ang mga apektadong pamilya sa kanilang mga kapitbahay habang unti-unting inaayos ang kanilang mga tahanan.
Ayon sa MSSD, patuloy nilang isasagawa ang Emergency Relief Assistance (ERA) Program upang masigurong walang pamilyang Bangsamoro ang maiiwan sa gitna ng anumang krisis.







Views Today : 70
Views Yesterday : 47
Views Last 7 days : 629
Views Last 30 days : 3534
Views This Month : 2099
Views This Year : 17961
Total views : 30096
Leave a Reply