SENIOR CITIZENS SA MAGUINDANAO DEL SUR, BINIGYANG-PARANGAL SA MAKABULUHANG PAGDIRIWANG NG SERBISYONG MAY PUSO

BULUAN, MAGUINDANAO DEL SUR — Sa ilalim ng programang Serbisyong May Puso ni Governor Datu Ali M. Midtimbang, isang makulay at makabuluhang pagtitipon ang isinagawa para sa mga senior citizens mula sa 24 munisipalidad ng lalawigan — isang selebrasyong nagpatibay ng ugnayan, malasakit, at pag-asa ng mga nakatatanda.

Katuwang ang Ministry of Social Services and Development (MSSD), namahagi ang pamahalaang panlalawigan ng essential kits at assistive devices para sa lahat ng kalahok, bilang patunay ng pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa lipunan.

Dumalo sa aktibidad sina Provincial Administrator Datu Nur Ali U. Midtimbang, Provincial Social Welfare Officer Eman L. Panondi, RSW, Ph.D., at ang Buluan District Hospital medical team na nanguna sa libreng medical consultation at wellness services tulad ng pedicure at haircut para sa mga senior citizens.

Hindi lamang kalusugan ang pinahalagahan sa pagtitipon, kundi maging ang kasiyahan at samahan. Bawat munisipalidad ay naghandog ng talent performances na naghatid ng ngiti at halakhak sa mga kalahok.
Itinanghal na overall winner ang Municipality of Guindulungan, na tumanggap ng cash prize, habang ang iba pang kalahok ay tumanggap ng consolation prizes bilang pagkilala sa kanilang partisipasyon.

Lalong umigting ang saya nang maganap ang raffle draw, kung saan marami sa mga lolo at lola ang maswerteng nanalo ng dagdag na papremyo. Ang buong pagtitipon ay nagtapos sa masiglang damdamin ng pasasalamat, pagkakaisa, at kagalakan.

Ang kaganapang ito ay isa lamang sa mga patuloy na inisyatiba ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur para maitaguyod ang kalusugan, kapakanan, at kasiyahan ng mga nakatatanda—isang tunay na patunay ng Serbisyong may Puso, Para sa Bawat Maguindanaon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020621
Views Today : 73
Views Yesterday : 47
Views Last 7 days : 632
Views Last 30 days : 3537
Views This Month : 2102
Views This Year : 17964
Total views : 30099