Isinagawa ngayong araw sa People’s Palace, Cotabato City ang isang Bouquet at Lei Making Workshop na dinaluhan ng nasa 15 Out-of-School Youths at mga mag-aaral mula sa lungsod, sa pangunguna ng Office of the City Mayor – Investment Promotion Division.
Layunin ng nasabing aktibidad na mapalawak ang kasanayan at kabuhayan ng mga kabataang Cotabateño, partikular yaong mga hindi nakapag-aaral o kasalukuyang naghahanap ng oportunidad upang makapagsimula ng maliit na negosyo.
Nagbahagi ng kanilang karanasan at galing ang mga resource speakers mula sa Cotabato Floral Touch — sina Ms. Princess Sharina Mudzol at Ms. Roneta Calibo — na nagturo ng bouquet making, habang si Ms. Rodja Abas naman ang nagturo ng lei making techniques.
Kasama sa mga dumalo sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa Public Employment Service Office (PESO), City Tourism Office, at Local Youth Development Office (LYDO), na nagpahayag ng kanilang suporta sa mga inisyatibang nagbibigay ng livelihood training para sa kabataan.
Ang ganitong mga aktibidad ay bahagi ng adbokasiya ng Pamahalaang Lungsod ng Cotabato sa pagpapaunlad ng kabuhayan, entrepreneurship, at empowerment ng kabataan bilang mga produktibong miyembro ng komunidad.







Views Today : 73
Views Yesterday : 47
Views Last 7 days : 632
Views Last 30 days : 3537
Views This Month : 2102
Views This Year : 17964
Total views : 30099
Leave a Reply