Sa pagpapatuloy ng adbokasiyang mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa Bangsamoro, matagumpay na naisakatuparan ng Ministry of Basic, Higher, and Technical Education (MBHTE) — sa pamamagitan ng Property and Supply Section (PASS) — ang delivery at distribusyon ng learners kit, teachers kit, at iba pang essential equipment sa Schools Division Office ng Maguindanao del Sur.
Ang inisyatibang ito ay bahagi ng Project Improve Quality Education in the Bangsamoro Land (Project IQBAL), isang flagship program na pinangungunahan ni Minister Mohagher Iqbal upang tiyakin ang patuloy na pag-angat ng kalidad ng pagtuturo at pagkatuto sa rehiyon.
Ayon sa MBHTE, ang mga kagamitan ay ipinamahagi sa sumusunod na mga paaralan:
- Masdar Elementary School
- Kilangan National High School
- Kilangan Elementary School
- Baya Elementary School
- Gagadanan Elementary School
- Datu Abdulkadir O. Matalam, Sr. Elementary School
- Damalasak Elementary School
- Datu Bandala Mamasabulod Elementary School
- Datu Udtog Matalam Sr. Main National High School
- Mamalimping Elementary School
- Dalgan Elementary School
Ang mga ipinamigay na kagamitan ay layuning mapahusay ang learning environment, mapadali ang pagtuturo ng mga guro, at maitaguyod ang makabagong pamamaraan ng edukasyon sa mga paaralang sakop ng Maguindanao del Sur Division.
Sa pamamagitan ng Project IQBAL, patuloy na tinutupad ng MBHTE ang misyon nitong itaguyod ang isang maayos, makatao, at progresibong sistema ng edukasyon — pundasyon ng kapayapaan at pag-unlad sa Bangsamoro.







Views Today : 73
Views Yesterday : 47
Views Last 7 days : 632
Views Last 30 days : 3537
Views This Month : 2102
Views This Year : 17964
Total views : 30099
Leave a Reply