MAHIGIT 600 KABATAANG BANGSAMORO, NABIGYAN NG TULONG SA ILALIM NG ABAKA PROGRAM!

KAPALAWAN & LIGAWASAN, SGA — Patuloy ang pagsuporta ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) sa mga kabataang Bangsamoro sa pamamagitan ng Angat Bangsamoro: Kabataan Tungo sa Karunungan (ABaKa) Program, kung saan mahigit 600 estudyante mula sa mga bayan ng Kapalawan at Ligawasan ang tumanggap ng tulong pinansyal noong Nobyembre 5–6, 2025.

Sa bayan ng Kapalawan, umabot sa 326 beneficiaries ang nakatanggap ng ayuda na kinabibilangan ng 70 Unlad ABaKa college students, 73 regular ABaKa college students, 80 high school, at 103 elementary students.
Samantala, 340 estudyante mula sa bayan ng Ligawasan ang nakatanggap din ng tulong pinansyal sa payout na ginanap sa Covered Court ng Barangay Bulol.
Kabilang dito ang 13 Unlad ABaKa college students, 97 regular ABaKa college students, 122 high school, at 108 elementary beneficiaries.

Sa ilalim ng programa, ₱10,000 ang ibinigay sa bawat college student, ₱3,000 para sa high school, at ₱2,000 para sa elementary beneficiaries.
Layunin ng tulong na maibsan ang pasaning pinansyal ng mga mag-aaral mula sa mahihirap at marginalized na pamilya, at matulungan silang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Ayon sa MSSD, ang ABaKa Program ay isa sa mga pangunahing hakbang ng Ministry sa pagtatatag ng matatag, may edukasyon, at may kakayahang kabataang Bangsamoro.
Sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na programang ito, inaasahang mas maraming kabataan ang magkakaroon ng pagkakataong makatapos ng pag-aaral at maging haligi ng pag-unlad sa kani-kanilang mga komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020621
Views Today : 73
Views Yesterday : 47
Views Last 7 days : 632
Views Last 30 days : 3537
Views This Month : 2102
Views This Year : 17964
Total views : 30099