WIN CARES” PROGRAM NAGHATID NG TULONG AT PAG-ASA SA MGA MAMAMAYAN NG MAGUINDANAO DEL SUR

Ngayong araw, ipinahayag ng Office of the Governor of Maguindanao del Sur, sa pamumuno ni Hon. Datu Ali Midtimbang, ang taos-pusong pasasalamat kay Senator Win Gatchalian para sa mga ipinadalang relief donations sa ilalim ng programang “Win Cares: Kalingang Handog ni Senator Win Gatchalian.”

Isinagawa ang turnover ceremony sa Office of the Governor, kung saan pinagtibay ang pagkakaisa sa layunin ng serbisyong may puso at malasakit para sa mga mamamayan ng Maguindanao del Sur.

Ayon kay Governor Midtimbang, ang ganitong uri ng tulong ay higit pa sa materyal na donasyon — ito ay simbolo ng malasakit at pagkakaisa sa paglilingkod sa taumbayan.

Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur ay nagpapaabot ng taos-pusong pasasalamat kay Senator Win Gatchalian at sa kanyang tanggapan para sa patuloy na pagsuporta at pagtulong sa mga komunidad ng Bangsamoro.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020621
Views Today : 73
Views Yesterday : 47
Views Last 7 days : 632
Views Last 30 days : 3537
Views This Month : 2102
Views This Year : 17964
Total views : 30099