“INA-WATA NU BARMM: Bagong Proyekto para sa Kalusugan ng Ina at Bata sa Rehiyon”

Ngayong Nobyembre, nakipagkita ang Ministry of Health – BARMM sa JICA Project Team para sa paglulunsad ng “INA-WATA NU BARMM Project,” isang proyekto na tututok sa pagpapalakas ng maternal, newborn, at child health and nutrition (MNCHN) services sa BARMM.

Pinangunahan ni Deputy Minister Dr. Zul Qarney Abas ang mainit na pagtanggap sa team, habang ipinakilala ni Ms. Chisaki Sato ang mga miyembro at inilatag ang tatlong pangunahing outputs at aktibidad ng proyekto. Saklaw ng proyekto ang Cotabato City, Maguindanao del Norte, at Maguindanao del Sur mula Nobyembre 2025 hanggang Oktubre 2028.

Makikinabang sa proyekto ang mga health personnel, community volunteers, buntis at nagpapasusong kababaihan, at kanilang mga pamilya. Suportado ito ng MOH-BARMM, Integrated Provincial Health Office ng Maguindanao, Cotabato City Health Office, lokal na pamahalaan ng Maguindanao del Norte at Sur, at PhilHealth BARMM Regional Office.

Sa pamamagitan ng INA-WATA NU BARMM Project, inaasahang lalakas ang kapasidad ng health facilities, mabubuo ang mas epektibong health administrative framework, at mas mapapalakas ang community-based initiatives para sa mas maayos na kalusugan ng bawat mamamayan sa BARMM.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020622
Views Today : 74
Views Yesterday : 47
Views Last 7 days : 633
Views Last 30 days : 3538
Views This Month : 2103
Views This Year : 17965
Total views : 30100