Sa gitna ng mainit na araw sa kahabaan ng Talayan Highway, personal na pinangunahan ni Governor Datu Ali Midtimbang ang on-site inspection kasama ang mga opisyal ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa pangunguna ni Mr. Dominador C. Enquito, District 6 Senior Manager.
Ang inspeksyon ay layuning masuri at matugunan ang isyu sa mga poste ng kuryente na nakatayo sa mismong gilid ng pambansang kalsadaโisang sitwasyong maaaring magdulot ng panganib sa mga motorista at residente.
Sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur at NGCP, inaasahang maisasagawa ang relocation ng mga poste upang mapanatili ang kaligtasan at maibsan ang abala ng mga mamamayan.
Ang hakbang na ito ay patunay ng proactive leadership at malasakit sa kapakanan ng publiko โ isang malinaw na ehemplo ng Serbisyong May Puso ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur.






Views Today : 74
Views Yesterday : 47
Views Last 7 days : 633
Views Last 30 days : 3538
Views This Month : 2103
Views This Year : 17965
Total views : 30100
Leave a Reply