Isang mahalagang panukalang batas ang inihain sa Bangsamoro Parliament na naglalayong hatiin ang Special Geographic Area (SGA) sa dalawang parliamentary districts upang magkaroon ng direktang representasyon ang 63 barangay sa BARMM regional legislature.
Ang panukala ay inihain nina MPs Mohammad Kelie Antao, Suwaib Oranon, Tawakal Midtimbang, at Mudjib Abu. Ang SGA ay binubuo ng mga barangay mula North Cotabato na piniling maging bahagi ng BARMM matapos ang 2019 plebisito.
Ayon sa panukala, ang District 1 ay bubuuin ng Pahamuddin, Kadayangan, Nabalawag, at Tugunan. Mayroon itong 33 barangay, higit 103,000 katao, at humigit-kumulang ₱120 milyon taunang kita.
Samantala, ang District 2 ay binubuo ng Malidegao, Ligawasan, Kapalawan, at Old Kaabakan na may 29 barangay, higit 112,000 residente, at tinatayang ₱125 milyon taunang kita.
Ang pagbuo ng mga parliamentary districts ay nakabatay sa Bangsamoro Organic Law, na nagbibigay kapangyarihan sa Parliament na lumikha ng mga distrito batay sa populasyon at teritoryo. Sa una, mga itatalagang miyembro ang uupo bilang kinatawan, bago dumaan sa regular na halalan ang mga susunod na representante.
Ayon sa mga mambabatas, ang paglikha ng sariling parliamentary districts ng SGA ay magpapalakas sa kanilang representasyon, magpapabilis ng serbisyo publiko, at susuporta sa patuloy na socio-economic growth ng lugar.






Views Today : 81
Views Yesterday : 47
Views Last 7 days : 640
Views Last 30 days : 3545
Views This Month : 2110
Views This Year : 17972
Total views : 30107
Leave a Reply