Arestado ang apat na indibidwal matapos ma-flag down sa isang joint checkpoint operation sa Brgy. Dalumangcob bandang 9:20 PM, Nobyembre 24, 2025, na nagresulta sa pagkakakumpiska ng tinatayang 1,925 rims ng hinihinalang smuggled na Bosque brand cigarettes.
Kinilala ang naaresto na sina Mark Chu Luna, 52, residente ng Parañaque City; Fhadzri Manlani Janalan, 25, residente ng General Santos City; Laila Akmad, 33, residente ng Kalamansig, Sultan Kudarat; at Verhama Jul Luna, 43, residente ng Davao City.
Isinagawa ang operasyon sa pangunguna ni PCPT Norman M. Nur, Deputy Chief of Police, sa ilalim ng superbisyon ni PLTCOL Hector E. Tanio Jr., kasama ang mga personnel mula sa PIU-MDN PPO, 1401st RMFC, RMFB 14-A, PIT MDN RIU 15, PRO BAR, at DOS MPS. Ang checkpoint ay bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa anti-criminality operations at inspection for smuggled goods alinsunod sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at IR No. 11-24-2025-002.
Dalawang silver gray Suzuki APV na may plakang TPI 447 at MBD 9181 ang napansin umanong kahina-hinala matapos manatiling nakahinto malapit sa checkpoint. Nang lapitan at isailalim sa inspeksyon, napansin ng mga pulis ang pagiging kinakabahan at hindi kooperatibo ng mga driver, dahilan upang suriin pa ng mas malalim ang mga sasakyan.
Pagbukas ng ilaw sa loob at pagbaba ng bintana, nakita ng mga operatiba ang mga karton at bag na naglalaman ng umano’y smuggled Bosque cigarettes na nakalagay din sa mga trolley bags. Dahil dito, agad na inaresto ang apat na suspek at ipinaalam sa kanila ang kanilang karapatan.
Dahil walang available na personnel mula sa Bureau of Customs, isinagawa ng arresting officers ang physical inventory at dokumentasyon kasama ang barangay opisyal. Dinala na rin sa himpilan ang mga suspek, ang dalawang sasakyan, at ang nakumpiskang kontrabando para sa pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 12022 o Anti-Economic Sabotage Act.








Views Today : 85
Views Yesterday : 47
Views Last 7 days : 644
Views Last 30 days : 3549
Views This Month : 2114
Views This Year : 17976
Total views : 30111
Leave a Reply