Isang natatanging karangalan para kay Maguindanao del Sur Governor Datu Ali Midtimbang ang maging pangunahing panauhin sa makasaysayang pagdiriwang ng 89th Founding Anniversary at 7th Kulintang Festival ng Bayan ng Datu Piang. Sa kanyang pagdalo, muling pinagtibay ang matatag na ugnayan ng Pamahalaang Panlalawigan at Lokal na Pamahalaan sa pagsusulong ng kapayapaan, pagpapayabong ng kultura, at tuloy-tuloy na kaunlaran.
Pinangunahan nina Mayor Datu Victor T. Samama at Vice Mayor Atty. Mohamad Omar A. Samama ang matagumpay na selebrasyon na may temang “Datu Piang: Bantayog ng Katatagan at Sagisag ng Handang Mamamayan.” Ang tema ay nagbigay-diin sa lakas, resiliency, at pagkakaisa ng mga taga-Datu Piang sa gitna ng patuloy na pagbabago.
Bilang bahagi ng pagdiriwang, naghatid ang Pamahalaang Panlalawigan ng Serbisyong Handog sa Kabataan sa pamamagitan ng GIVE HEART Program, kung saan namahagi ng school bags, school supplies, at wheelchairs para sa mga batang higit na nangangailangan. Isa itong malinaw na patunay ng malasakit at patuloy na pangangalaga ng probinsya sa kinabukasan ng kabataang Maguindanaon.







Views Today :
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 646
Views Last 30 days : 3551
Views This Month : 2116
Views This Year : 17978
Total views : 30113
Leave a Reply