Muling iginiit ni Member of Parliament Mohagher Iqbal ang kahalagahan ng malinaw, matatag, at kapani-paniwalang mekanismo sa usaping pangkapayapaan sa kanyang talumpati sa International Conference on “After the Peace Agreements: The Bangsamoro & Beyond” na ginanap sa Dusit Thani Hotel, Davao City.
Bago talakayin ang mga partikular na tanong, nilinaw ni Iqbal na kinakailangan munang bigyang-diin ang pundasyon ng negosasyon—dahil dito nakasalalay ang tagumpay ng anumang peace process. Aniya, pangunahing hakbang ang pagpapalakas ng negotiation mechanisms, lalo na ang malinaw na delineation ng mandato ng OPAPPRU at ng Peace Panel, upang maiwasan ang overlap at kalituhan sa parehong panig, kabilang ang MILF.
Ipinunto rin ni Iqbal ang ikalawang mahalagang elemento: ang pagtatayo ng tiwala sa pagitan ng gobyerno at MILF—isang proseso na aniya’y nagsisimula sa simpleng pagtupad sa mga ipinangako, ngunit nagiging mas komplikado dahil sa dami ng aktor at prosesong kasangkot. Binigyang-diin niyang nananatiling malaking tanong para sa MILF kung bakit hindi pa muling naibabalik ang International Monitoring Team (IMT) mula noong huli itong nag-operate noong 2022, kahit malinaw ang mandato nito sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB).
Pangatlo, tinukoy ng MP ang kahalagahan ng political stability at continuity, na dapat aniyang pinagtutulungang pangalagaan ng dalawang panig. Bilang partners sa kapayapaan, nakasalalay sa mutual respect at cooperation ang pagpapatuloy ng peace dividends sa Mindanao.
Sa pagtatapos ng kanyang pahayag, iginiit ni Iqbal na nasa tatlong haligi ang susi sa hinaharap ng kapayapaan:
malinaw na mekanismo, matatag na tiwala, at tuloy-tuloy na political stability—mga kinakailangang palakasin upang manatiling buhay at umiiral ang kapayapaan sa Bangsamoro.








Views Today : 85
Views Yesterday : 47
Views Last 7 days : 644
Views Last 30 days : 3549
Views This Month : 2114
Views This Year : 17976
Total views : 30111
Leave a Reply