SULTAN MASTURA, MAGUINDANAO DEL NORTE — Isinilbi kahapon ng pulisya ang Warrant of Arrest laban sa isang Person Under Police Custody (PUPC) na kinilalang si Mohammad Esmael Arap, alyas Tarim Pusdan Arap, 37 taong gulang, at kabilang sa Top 4 Most Wanted Person (Municipal Level) at Top 5 Most Wanted Person (Provincial Level).
Dakong 5:45 PM, Nobyembre 30, 2025, isinagawa ang operasyon sa Sultan Mastura MPS Detention Facility sa Brgy. Tapayan matapos matukoy na ang detainee na nakakulong dahil sa paglabag sa RA 9165 ay siya ring suspek sa pagpatay kay Lendi Balabagan Macarimbang noong Nobyembre 16, 2019.
Ayon sa ulat, bandang 4:00 PM nang tumanggap ng impormasyon ang istasyon mula sa isang Confidential Informant (CI) na nagbigay ng pagkakakilanlan sa suspek. Agad nag-verify ang mga pulis at kinumpirma ng pamilya ng biktima na ang nakakulong ay si alyas ‘Tarim’, tugma sa pangalang nasa Criminal Case No. 2021-12353 para sa kasong MURDER, alinsunod sa Warrant of Arrest na walang piyansa, na inisyu ng RTC Branch 27, 12th Judicial Region, sa ilalim ni Hon. Kasan Kusain Abdulrakman, Executive Judge.
Ipinaalam sa akusado ang kanyang karapatang konstitusyonal at ang likas na dahilan ng pagdakip sa wikang lubos niyang naunawaan.
Sa ngayon, nananatili sa kustodiya ng Sultan Mastura MPS ang akusado para sa dokumentasyon habang inihahanda ang Return of Warrant at hinihintay ang commitment order mula sa korte.







Views Today : 22
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 554
Views Last 30 days : 3512
Views This Month : 2138
Views This Year : 18000
Total views : 30135
Leave a Reply