Nagpahayag ang Bangsamoro Darul-Ifta’ (BDI) ng opisyal na gabay hinggil sa kafālah o guardianship matapos tumanggap ng pormal na konsultasyon mula sa publiko. Ang kafālah ay isang makasaysayang sistemang nakaugat sa buhay at halimbawa ni Propeta Muhammad (SAW), na nagbibigay ng pagkalinga sa mga ulila at nangangailangan habang pinananatili ang kanilang tunay na angkan.
Ayon sa BDI, naranasan mismo ng Propeta (SAW) ang guardianship sa kanyang kabataan sa pangangalaga ng kanyang lolo at tiyuhin. Pinalawak pa ito sa pamamagitan ng kanyang pag-aaruga kay Zayd ibn Harithah, na nagpapatunay sa malinaw na pagkakaiba ng Islam sa tabannī (pagbabago ng lineage) at kafālah (pagbibigay-kalinga nang hindi binabago ang angkan).
Binibigyang-diin ng Darul-Ifta’ na ang Prophetic Sunnah ay nagtataguyod ng pagkahabag, katarungan, at responsibilidad ng komunidad sa pag-aalaga ng mga ulila—isang gawaing may dakilang gantimpala.








Views Today : 13
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 659
Views Last 30 days : 3564
Views This Month : 2129
Views This Year : 17991
Total views : 30126
Leave a Reply