DOMESTIC VIOLENCE SA MAGUINDANAO DEL NORTE: 17-ANYOS NA MISIS KRITIKAL MATAPOS SAKSAKIN AT BUGBUGIN; SEL0S NAKIKITANG MOTIBO

SULTAN KUDARAT, Maguindanao del Norte — Isang 17-anyos na babae ang sugatang-sugatan matapos umanong pagsasaksakin at bugbugin ng kanyang asawa sa Barangay Pinaring, nitong hapon ng November 30, 2025.

Bandang 3:50 PM, nakatanggap ng tawag ang mga awtoridad mula sa isang concerned citizen tungkol sa isang insidente ng domestic violence na posibleng paglabag sa RA 9262. Agad rumesponde ang mga pulis at naabutan ang biktima na may maramihang tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at malubhang head injury, matapos umanong saksakin gamit ang flat screwdriver at hatawin ng kahoy na upuan.

Agad na isinugod ang biktima sa Cotabato Sanitarium and General Hospital at kalaunan ay ini-transfer sa Cotabato Regional and Medical Center para sa mas malawak na medikal na atensyon.

Samantala, nadakip ang suspek na kinilalang alyas Mhadz, 20, residente rin ng Barangay Pinaring. Sa imbestigasyon, lumabas na ang insidente ay nag-ugat sa selos matapos magkaroon ng mainit na pagtatalo ang mag-asawa.

Ang suspek ay inaabiso na sa kanyang karapatan at nasa kustodiya na ng mga awtoridad para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020645
Views Today : 13
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 659
Views Last 30 days : 3564
Views This Month : 2129
Views This Year : 17991
Total views : 30126