BYC NAMIGAY NG P250K SA LIMANG YPS HEROES; MGA KABATAAN ITINATAGUYOD ANG KAPAYAPAAN AT PAMAMAHALA SA BARMM

COTABATO CITY — Patuloy na pinagtitibay ng Bangsamoro Youth Commission (BYC) ang papel ng kabataan sa pagtataguyod ng kapayapaan matapos nitong igawad ang kabuuang P250,000 project grant sa limang piling Sangguniang Kabataan (SK) officials at kanilang partner youth organizations na kinilala bilang Youth, Peace and Security (YPS) Heroes 2025.

Bawat koponan ay nakatanggap ng P50,000 para sa pagpapatupad ng kanilang mga youth-led initiatives na diretsong tumutugon sa mga layunin ng Bangsamoro Action Plan on Youth, Peace and Security (BAPYPS) 2023–2028.

Layunin ng programa na lalong palakasin ang integrasyon ng YPS sa lokal na pamamahala, habang binibigyang-priyoridad ang papel ng kabataan sa pagtataguyod ng kapayapaan, seguridad, at inklusibong pag-unlad.

Ang YPS Hero 2025 ay nakabatay sa tatlong pangunahing frameworks:

  • BAPYPS 2023–2028
  • UN Security Council Resolution 2250 (Youth, Peace & Security)
  • National Action Plan on YPS (NAPYPS)

Ayon sa BYC, ang mga napiling YPS Heroes ay magsisilbing modelo kung paano dapat maging aktibong katuwang ang kabataan sa pagsusulong ng seguridad, conflict prevention, at community resilience sa Bangsamoro region.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020654
Views Today : 25
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 557
Views Last 30 days : 3515
Views This Month : 2141
Views This Year : 18003
Total views : 30138