Patuloy na pinagtitibay ng Bangsamoro leadership ang kanilang malasakit sa Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa Cotabato City matapos pangunahan ni BTA Member of Parliament Atty. Suharto “Teng” M. Ambolodto ang pagsama kay MP Dr. Susana Salvador Anayatin ang pormal na turnover ng dalawang (2) Smart TV units noong Lunes, Disyembre 1, 2025. Ang mga kagamitan ay isa-isang ipinagkaloob sa Cotabato City Jail – Female Dormitory (CCJ-FD) at Cotabato City Jail – Male Dormitory (CCJ-MD).
Ang inisyatibang ito ay bahagi ng patuloy na adbokasiya ni MP Anayatin na palakasin ang kapakanan, moral, at edukasyonal na oportunidad ng mga PDLs. Tiniyak naman ni MP Teng Ambolodto ang kanyang matatag na suporta, lalo na sa mga GAD-driven programs at iba pang proyektong tumutugon sa pangangailangan ng PDLs sa parehong dormitoryo. Mula pa noong 2023, naging aktibo si MP Teng sa pagtataguyod ng mga layuning nagbibigay pag-asa at rehabilitasyon sa CCJ-FD at ngayon ay pinalawak pa sa CCJ-MD.
Personal na tinanggap ang Smart TVs nina CCJ-FD Jail Warden JINSP Cherry Cheng Durante at CCJ-MD Jail Warden JSUPT Reuben D. Olivo, na kapwa nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat sa patuloy na suporta ng mga Bangsamoro lawmakers. Ang mga kagamitan ay magsisilbing mahalagang bahagi sa edukasyon, information access, skills training, at iba pang programang makatutulong sa paghubog ng mas maayos at makabuluhang pamumuhay ng mga PDLs habang nasa loob ng pasilidad.
Ang hakbang na ito ay patunay ng pagkakaisa, serbisyo, at malasakit ng mga mambabatas ng BTA para masiguro na ang bawat PDL ay may pagkakataong matuto, magbago, at magkaroon ng pag-asa—isang konkretong pagpapamalas ng tunay na Serbisyong May Puso.

Views Today : 22
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 668
Views Last 30 days : 3573
Views This Month : 2138
Views This Year : 18000
Total views : 30135
Leave a Reply