Mahigit 3,000 residente mula sa limang bayan ng Basilan ang nabigyan ng birth certificates sa Mobile Birth Registration ng MSSD. Tig-600 bawat bayan mula Tipo-Tipo, Albarka, Sumisip, Ungkaya Pukan, at Hadji Muhtamad ang nairehistro.
Nakapagbigay ang programa ng legal identity sa Badjao communities, pamilya ng former combatants, at Returning Filipinos from Sabah—mga sektor na matagal nang hirap sa dokumentasyon.
Ang aktibidad ay naisagawa sa tulong ng MSSD Basilan Coordinating Office, Government of Japan, UNHCR Philippines, CFSI, at mga LGU. Patuloy ito sa susunod na taon upang maabot ang universal birth registration sa BARMM.






Views Today : 42
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 574
Views Last 30 days : 3532
Views This Month : 2158
Views This Year : 18020
Total views : 30155
Leave a Reply