Dinala ng LGU Datu Odin Sinsuat ang Project BABA sa Barangay Mompong noong December 3, 2025 upang magbigay ng iba’t ibang libreng serbisyo. Pinangunahan ito ni Mayor Abdulmain Abas at Vice Mayor Bobsteel Sinsuat kasama ang Sangguniang Bayan.
Nagbigay ang LGU ng libreng medical check-up at gamot, ID application, business at tax consultation, livelihood assistance, school supplies, food packs, at feeding program. Mayroon ding libreng gupit, binhi ng gulay, dignity at sanitary kits, at hadiya para sa mga nakatatanda.
Katuwang ng programa ang IPHO-Maguindanao, RHU-DOS, 35th MC MBLT-5, MSSD, at MAFAR. Patuloy ang pag-ikot ng Project BABA upang ihatid ang serbisyo sa iba pang barangay.






Views Today : 42
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 574
Views Last 30 days : 3532
Views This Month : 2158
Views This Year : 18020
Total views : 30155
Leave a Reply