Patuloy ang kilos-protesta ng League of Bangsamoro Organizations (LBO) sa harapan ng Korte Suprema ngayong linggo upang muling ipanawagan na ituloy ang nakatakdang Bangsamoro Parliamentary Elections sa Oktubre 13, 2025.
Bitbit ng mga raliyista ang kanilang plakard at sigaw na panawagan:
“Tuluyan nang ibasura ang BAA 77 – No to Gerrymandering!”
Dagdag pa sa kanilang paninindigan ang mariing pagtutol sa anumang hakbang na sisira sa kasunduan sa pagitan ng pamahalaan at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
“Igalang at ipatupad ang GPH–MILF Peace Agreement!” sigaw ng mga nagpoprotesta.
Para sa LBO, malinaw na ang pagpapaliban ng halalan ay hindi lamang paglabag sa karapatang bumoto ng mamamayang Bangsamoro, kundi isa ring direktang banta sa kapayapaan at demokrasya na kanilang pinaglaban sa loob ng maraming taon.








Views Today : 79
Views Yesterday : 156
Views Last 7 days : 852
Views Last 30 days : 4421
Views This Month : 2957
Views This Year : 29551
Total views : 41686
Leave a Reply