Sa patuloy na pagsuporta ng Bangsamoro Government sa edukasyon, pinangunahan ni Member of the Parliament at Floor Leader Sha Elijah Dumama-Alba ang turnover ng bagong school building at pathways sa Cotabato Rasheeda High School, Inc., Barangay Bagua Mother, Cotabato City.
Ang proyekto ay pinondohan sa ilalim ng TDIF ni MP Alba at naisakatuparan sa tulong ng MBHTE bilang bahagi ng kanilang layuning mapalawak ang mga pasilidad pang-edukasyon sa rehiyon.
Ayon kay MP Alba, ang ganitong mga proyekto ay simbolo ng pangmatagalang pamumuhunan sa mga kabataan.
“Kapag ligtas at maayos ang silid-aralan, mas nagiging madali para sa mga kabataan na matuto at mangarap,” pahayag niya.
Ang proyektong ito ay patunay ng #SerbisyongMayPuso, na layong maihatid ang kaunlaran, pag-asa, at edukasyon sa bawat Bangsamoro learner.








Views Today : 264
Views Yesterday : 107
Views Last 7 days : 999
Views Last 30 days : 3735
Views This Month : 722
Views This Year : 23301
Total views : 35436
Leave a Reply