VICE MAYOR JOHAR MADAG, TUTOK SA PAGSASABATAS NG TRAFFIC CODE PARA SA MAS MAAYOS NA COTABATO CITY

Sa patuloy na pagsisikap ng pamahalaang lungsod, pinangunahan ni Vice Mayor Johair Madag ang mga talakayan at konsultasyon kaugnay ng panukalang Traffic Code ng Cotabato City — isang inisyatibang mag-aayos ng daloy ng trapiko at magbibigay ng mas maayos na regulasyon sa transportasyon.

Ang panukala ay kasalukuyang nasa ikalawang pagbasa (second reading) sa Sangguniang Panlungsod at dumaan sa masusing pag-aaral ng Committee on Transportation. Sa ilalim ng pamumuno ni Vice Mayor Madag, siniguro nilang maririnig ang boses ng transport groups at iba pang stakeholders bago ito tuluyang maaprubahan.

“Ayaw natin ng batas na hindi naiintindihan o hindi sang-ayon ang mga driver at commuters. Kailangan, bago ipatupad, malinaw at tanggap ito ng lahat,” pahayag ni Vice Mayor Madag.

Bukod sa traffic ordinance, ininspeksyon din ng Bise Alkalde ang ilang barangay sa Utapak area at bumisita sa Cotabato City Jail upang matiyak ang maayos na kalagayan ng mga pasilidad.

Ang Traffic Code ay bahagi ng mas malawak na programa ng lokal na pamahalaan para sa disiplinadong trapiko, ligtas na kalsada, at mas maayos na pamumuhay para sa mga Cotabateño.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

024511
Views Today : 265
Views Yesterday : 107
Views Last 7 days : 1000
Views Last 30 days : 3736
Views This Month : 723
Views This Year : 23302
Total views : 35437