Isang inspiradong umaga ang bumungad sa Barangay Badak, Datu Odin Sinsuat, nang opisyal na ilunsad ang Project BABA: Bridging Access to Basic Assistance — programang nagsusulong ng malapit, mabilis, at makataong serbisyo publiko.
Pinangunahan ni Mayor Abdulmain “Baba” Abas Sr. Alhadj ang nasabing aktibidad na dinaluhan ng mga opisyal ng bayan, barangay, at iba’t ibang ahensya. Layunin ng proyekto na maghatid ng komprehensibong tulong sa pamamagitan ng isang centralized system sa mga barangay, upang mas mapadali ang pag-access ng mga mamamayan sa mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan.
Sa ilalim ng Project BABA, may 15 libreng serbisyo kabilang ang medikal check-up, livelihood at negosyo package, ID assistance, feeding program, at distribusyon ng school supplies.
“Ang Project BABA ay simbolo ng malasakit, pagkakaisa, at tunay na serbisyo sa mga tao,” ani Mayor Abas. “Ito ay simula ng isang bagong yugto kung saan ang gobyerno ay lumalapit mismo sa komunidad.”
Sa tulong ng IPHO-Maguindanao, Rural Health Unit, MAFAR, MSSD, at 35th MC MBLT-5, inaasahang mas lalawak pa ang implementasyon ng Project BABA sa mga susunod na buwan.







Views Today : 16
Views Yesterday : 90
Views Last 7 days : 759
Views Last 30 days : 3633
Views This Month : 1918
Views This Year : 17780
Total views : 29915
Leave a Reply