TAGUMPAY NG BANGSAMORO: MOH SCHOLARS, 100% PASADO SA PLE

sang makasaysayang sandali para sa Bangsamoro health sector ang naganap matapos makapagtala ng 100% passing rate ang mga MOH-BARMM scholars sa katatapos na Physician Licensure Exam (PLE).

Hindi lamang ito tagumpay ng mga bagong doktor, kundi simbolo ng tagumpay ng edukasyon, determinasyon, at pananampalataya.

Ang mga bagong doktor na ito ay bunga ng Bangsamoro Medical Scholarship Program (BMSP), isang inisyatibong naglalayong makapaghubog ng mga propesyunal na maglilingkod sa mga mamamayan ng rehiyon.

Sa pamumuno nina MP Rasul Ismael at MP Abdullah Hashim, patuloy ang pagsuporta sa mga kabataang Bangsamoro upang maabot ang kanilang pangarap at magamit ito sa serbisyo publiko.

“Ang bawat doktor na lumalabas mula sa programang ito ay simbolo ng pag-asa at pagbabago,” ani ng MOH-BARMM. “Sila ang patunay na kapag may suporta, tiyaga, at pananalig — walang imposibleng pangarap.”

Mubarak sa ating mga bagong doktor! Ang inyong tagumpay ay tagumpay ng buong Bangsamoro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020477
Views Today : 16
Views Yesterday : 90
Views Last 7 days : 759
Views Last 30 days : 3633
Views This Month : 1918
Views This Year : 17780
Total views : 29915