Matagal ang hinintay, pero dumating din ang araw ng pagkakasundo.
Sa pamumuno ni Gov. Datu Ali Midtimbang, tuluyang natuldukan ang isang matagal nang away-pamilya na nagsimula pa noong 2017 — isang hakbang tungo sa tunay na kapayapaan sa Maguindanao del Sur.
Hindi ito basta simpleng “pag-aayos.” Ito ay bunga ng taon-taong pagtitiyaga ng pamahalaan, mga lider, at mismong mga pamilyang sangkot. “Alhamdulillah, ngayon nagkakasundo na ang 105th at 118th at ang mga political leader,” ani Gov. Midtimbang, na kilala sa kanyang malasakit at tahimik na pagkilos para sa kapayapaan.
Ngayon, may malinaw na mga tuntunin — may military referee, at malinaw ang pananagutan kung may lalabag. Pero higit sa lahat, may pag-asa na. Dahil ayon kay Gov. Midtimbang, “ang pag-unlad ay magsisimula sa kapayapaan.”
At habang unti-unting bumabalik ang mga investor at negosyante, muling nabubuhay ang pangarap ng mga taga-Maguindanao del Sur para sa isang mapayapa, maunlad, at nagkakaisang lalawigan.








Views Today : 291
Views Yesterday : 107
Views Last 7 days : 1026
Views Last 30 days : 3762
Views This Month : 749
Views This Year : 23328
Total views : 35463
Leave a Reply