Patuloy ang pagpaparamdam ng malasakit ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur sa pangunguna ni Governor Datu Ali Midtimbang, matapos muling maghatid ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha sa bayan ng Sultan sa Barongis.
Sa koordinasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), DSWD Region XII, at BARMM READi, matagumpay na naisagawa ang pamamahagi ng food packs sa mga residente ng mga apektadong barangay.
Katuwang din sa relief operation ang Municipal DRRMO at ang Lokal na Pamahalaan ng Sultan sa Barongis, na nagsiguro ng maayos at mabilis na daloy ng ayuda sa mga nangangailangan.
Nagpahayag ng labis na pasasalamat ang mga mamamayan sa agarang tugon at tuloy-tuloy na suporta ng pamahalaan. Ayon kay Governor Midtimbang, hindi titigil ang kanilang tanggapan sa pagbibigay ng serbisyong may puso at malasakit, lalo na sa mga panahong pinakakailangan ito ng mga mamamayan.







Views Today : 24
Views Yesterday : 90
Views Last 7 days : 637
Views Last 30 days : 3560
Views This Month : 1926
Views This Year : 17788
Total views : 29923
Leave a Reply