Isang makabuluhang pagpupulong sa larangan ng pamumuhunan at ekonomiya ang isinagawa sa pagitan ng Philippine Economic Team at mga kinatawan ng Qatar, sa pamumuno ni Sheikh Mohamad Bin Mansour Bin Jabor Al Thani ng Mansour Holding Group.
Pinangunahan ang delegasyon ng Pilipinas ni Mindanao Development Authority (MinDA) Secretary Leo Tereso A. Magno, kasama sina Bangsamoro Board of Investments (BBOI-BARMM) Chairperson Mohamad Omar Pasigan at dating PNP Chief Gen. Nicholas Torre III.
Ang naturang exploratory investment meeting ay nagsilbing plataporma sa pagtalakay ng mga posibleng investment collaboration sa pagitan ng Qatar at Pilipinas, na nakatuon sa pagpapalakas ng mga oportunidad sa Mindanao at Bangsamoro Autonomous Region (BARMM).
Tinalakay sa pagpupulong ang mga potensyal na sektor ng pamumuhunan tulad ng agrikultura, imprastraktura, halal food industry, at iba pang programang makapagbibigay ng trabaho at kabuhayan sa mga mamamayan ng rehiyon.
Ayon sa mga opisyal, ang nasabing inisyatibo ay hakbang tungo sa mas matatag na ugnayang pang-ekonomiya sa pagitan ng dalawang bansa, at sa pagpapaunlad ng kapayapaan at kaunlaran sa Mindanao.
“Ito ay isang mahalagang hakbang sa pagtataguyod ng Mindanao bilang emerging investment hub ng bansa,” pahayag ng isang kinatawan ng delegasyon.






Views Today : 24
Views Yesterday : 90
Views Last 7 days : 637
Views Last 30 days : 3560
Views This Month : 1926
Views This Year : 17788
Total views : 29923
Leave a Reply