Noong Nobyembre 11, 2025, isinagawa ang Change of Command Ceremony ng 6th Infantry (Kampilan) Division sa Camp Siongco, Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte. Dumalo si Governor Datu Ali Midtimbang bilang panauhing bisita, kasama ang mga mataas na opisyal ng Philippine Army.
Pinangunahan ni LTGEN Antonio G. Nafarrete PA ang seremonya kung saan pormal na inilipat ang pamumuno mula kay MGEN Donald M. Gumiran PA patungo kay BGEN Jose Vladimir R. Cagara PA. Ang turnover ay simbolo ng pagpapatuloy ng dedikasyon at serbisyo ng Kampilan Division sa seguridad at katahimikan sa rehiyon.
Ang naturang aktibidad ay hindi lamang simpleng seremonya; ito rin ay pagpapatibay ng disiplina, integridad, at pangako sa bayan ng bawat kasapi ng Philippine Army.








Views Today : 48
Views Yesterday : 109
Views Last 7 days : 919
Views Last 30 days : 3875
Views This Month : 3272
Views This Year : 29866
Total views : 42001
Leave a Reply