NUTRISYON, TOP PRIORITY! PARLIAMENTO APRUBADO NA ANG BANGSAMORO NUTRITION COMMISSION ACT OF 2025

COTABATO CITY — Pormal nang inaprubahan ng Bangsamoro Parliament ang Parliament Bill No. 55 o ang “Bangsamoro Nutrition Commission Act of 2025,” isang makasaysayang batas na magtatatag ng regional nutrition authority na tututok sa food security at malnutrisyon sa BARMM.

Sa unanimous na boto, tuluyang pinagtibay ng mga mambabatas ang pagtatayo ng Bangsamoro Nutrition Commission (BNC), na magsisilbing central policymaking at coordinating body ng rehiyon pagdating sa nutrisyon at health-related feeding programs. Ang komisyong ito ay ilalagay sa ilalim ng Office of Chief Minister Abdulraof Macacua, na isa rin sa mga co-author ng panukala.

Ang batas ay pangunahing isinulong ni Health Minister Dr. Kadil Sinolinding Jr. at dating MP Amilbahar Mawallil. Mula sa orihinal na “Council,” ito ay ginawang Commission upang palawakin ang mandate at bigyan ito ng mas matibay na kapangyarihan sa pagpapatupad ng nutrisyon at food security interventions sa buong BARMM.

Magtatalaga ang komisyon ng dalawang kritikal na blueprint:

  • Bangsamoro Plan of Action for Nutrition, at
  • Bangsamoro Food Security and Nutrition Plan,
    na magiging gabay ng mga ministry at LGUs sa pagsugpo ng malnutrisyon.

Batay sa 2023 National Nutrition Survey, 34.3% ng batang Bangsamoro na edad lima pababa ay stunted, isa sa pinakamataas na bilang sa bansa. Patuloy ding nakararanas ang maraming pamilyang Bangsamoro— kabilang ang mga kababaihan at buntis—ng iba’t ibang anyo ng malnutrisyon at kakulangan sa pagkain.

Ayon kay Dr. Sinolinding, ang bagong komisyon ay magsisilbing “regional backbone” para sa science-based, sustained, at community-driven nutrition programs na layong putulin ang lumalalang cycle ng gutom at malnutrisyon sa rehiyon.

Sa Panukalang 2026 Budget, nangunguna ang Ministry of Health bilang isa sa may pinakamalalaking alokasyon—isang patunay na nananatiling top priority ng pamahalaang Bangsamoro ang nutrisyon ng kabataan at kalusugan ng komunidad.



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020623
Views Today : 75
Views Yesterday : 47
Views Last 7 days : 634
Views Last 30 days : 3539
Views This Month : 2104
Views This Year : 17966
Total views : 30101