Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 31st Araw ng Datu Odin Sinsuat, inilunsad ng Local Civil Registry ng Datu Odin Sinsuat ang programang FREE BIRTH CERTIFICATE para sa mga batang edad 0–5 taong gulang. Layunin nitong matulungan ang mga magulang na makapag-secure ng birth records para sa kanilang mga anak nang walang anumang bayarin.
Pormal nang sinimulan ang programa nitong December 2, 2025, at magtatagal hanggang December 12, 2025. Hinihikayat ang mga magulang at tagapag-alaga na agad samantalahin ang serbisyong ito upang matiyak na maayos ang dokumentasyon at identidad ng mga bata sa murang edad.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring tumawag sa 0997-692-4299 o bumisita sa Office of the Civil Registry sa Municipal Hall, Poblacion Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.
Ang inisyatibang ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng LGU na maghatid ng serbisyong abot-kamay, makatao, at tumutugon sa pangangailangan ng bawat pamilyang DOS.








Views Today : 13
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 659
Views Last 30 days : 3564
Views This Month : 2129
Views This Year : 17991
Total views : 30126
Leave a Reply